53

Dec 19, 2017 @ 16:58
By

Dengue vaccine, inalisan ng budget sa 2018

Wala nang inilaang pondo para sa pagbili ng dengue vaccines sa ilalim ng 2018 General Appropriations Act (GAA).

Kinumpirma ni House appropriations committee chairman Karlo Alexei Nograles na ang dahilan nito ay ang kontrobersiya sa P3.5-billion na pagbili ng Dengvaxia.

Sa 2018 GAA, may nakasaad na special provision sa ilalim ng Department of Health na hindi dapat sumobra sa P15 bilyon ang pondo para sa pagbili ng mga gamot, bakuna at medical at dental supplies.

Pero inamyendahan ito na walang pwedeng gamiting pondo para sa pagbili ng dengue vaccines.

“Yes, that was the primary reason pending the resolution of this issue Kasi siyempre yung ating mga magulang, mga kababayan ay nababahala dito sa Dengvaxia,” ayon kay Nograles.

“Until we clear the air here, then it was decided na ipagbawal muna yan,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?