114

Feb 16, 2019 @ 11:43
By

Dengue ‘outbreak’ idineklara sa Central Visayas

Idineklara na ang dengue outbreak sa may siyam na bayan sa Central Visayas dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.

Ayon kay Dr. Ronald Jarvik Buscato, dengue program coordinator ng Department of Health (DOH-7), lumalala na ang kaso ng dengue sa mga bayan ng Lapu-Lapu City at Sibonga town sa Cebu province; maging sa Lazi sa Siquijor; at Tagbilaran City, Loon, Trinidad, Cortes, Clarin and Dauis sa Bohol province.

Paliwanag ni Buscato, umangat ng 10 porsiyento ang namamatay sa loob lamang ng anim na linggong pagtala kumpara sa limang taon na nakalipas na record.

Kaya naman agad na inagapan ng pamunuan ng DOH ang sakit para matuunan ng pansin ng pamahalaan at mabigyan ng agarang lunas at atensyon ang mga lugar na may matataas na bilang ng dengue.

Isa sa malaking halimbawa nito ay sa Lapu-Lapu City na kung saan ay nasa umangat ng apat na beses ang bilang ng mga nagkaka-dengue sa loob lamang ng 40-araw ngayong 2019 na mayroon nang 299 mula sa 67 cases kumpara sa nakalipas na taon.

Ayon kay Dr. Agnes Cecil Realiza, Lapu-Lapu City Health Officer, umabot na sa 171 cases ng dengue ang kanilang nasa record kumpara sa 58 cases lamang noong Enero 2018.

Mas marami na umanong nagkakasakit ng dengue sa mga Barangay ng Basak, Babag, Mactan, Marigondon, Pusok at Gun-ob sa Cebu na kung saan ay may naitalang namatay na sa Barangay Kalawisan noong Enero 29 at isang 18-anyos na call center agent ang namatay rin sa dengue.

Batay sa imbestigasyon ng Lapu-Lapu health department, maruming paligid ang isa sa kanilang nakikitang sanhi ng dengue na kung saan ay mabilis kumalat ang virus sa polusyon na dala nito.

Kaya naman agad na isinagawa ang environmental sanitation education campaign sa lahat ng barangay upang malinis at kapaligiran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?