97
ABANTE lamok dengue doh
Aug 29, 2019 @ 18:21
By

‘Dengue-Get Out’ ipatutupad sa San Juan

Matagumpay ang naganap na anti-dengue search and destroy clean-up drive campaign sa San Juan matapos bumisita si Health Secretary Francisco Duque, Huwebes sa Pinaglabanan Elementary School sa San Juan City.

Ito ay matapos ang ulat na nasa 200,000 pasyente na ang napagaling na nagkaroon ng sakit at sintomas ng dengue sa San Juan.

Ayon kay Dra. Rosalie Sto. Domingo ng city health office, naitala ang may 147 cases ng dengue mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Paliwanag naman ni San Juan Mayor Francis Zamora, nasa tatlong barangay ng West Crame, Maytunas at Batis ang nasa monitoring ngayon ng barangay health at Department of Health dahil sa posibleng sintomas ng dengue.

Habang 18 barangay naman ang ligtas sa dengue dahil na rin sa patuloy na pagsasagawa ng fogging at information campaign sa mga residente upang mabigyan ng kaalaman kaugnay sa pagpapatupad ng 4’oclock Habit para sa Dengue-Get Out clustering cases.

Sa naganap na pagbisita ni Duque, ipinaalam nito ang mga posibleng pagbahayan ng lamok sa pag-iikot sa Barangay Corazon De Jesus at ang pagbibigay ng babala sa mga residente na paigtingin ang 4’o clock anti-dengue campaign.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?