Dengvaxia-doh-duque
By

Dengue cases bumaba – DOH

Sharing is caring!

Sa gitna ng kontrobersiya sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia, sinabi ng Department of Health (DOH) na bumaba ang bilang ng dengue cases sa unang dalawang buwan ng taon.

Ito ang ibinahagi ni Health Sec. Francisco Duque at aniya higit sa 30 porsiyento ang naging pagbaba ng bilang kumpara sa naitala noong Enero at Pebrero 2016.

Nabatid na 32.56 porsiyento ang naging pagbaba sa bilang nito.

“Well ang laki ng ibinaba ng dengue cases natin at least sa first two months ngayong 2018,” ani Duque.

Hindi naman nabanggit ng kalihim ang eksaktong bilang ng naitalang kaso ng dengue noong Enero at Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?