31

Oct 18, 2019 @ 18:06
By

Deng pinapirma ng Chicago, sabay retire

Binigyan ng nararapat na retirement rites ng Chicago Bulls ang kanilang dating manlalaro na si Luol Deng.

Pinapirma ng Chicago ang two-time All-Star, matapos nito ay nagretiro na nang tuluyan sa NBA.

Si Deng ay ang naging No.7 overall pick ng Phoenix Suns noong 2004, sumalang sa Chicago, Cleveland, Miami at Los Angeles Lakers.

Sa kanyang 16 seasons sa NBA ay nag-average ito ng 14.8 points at 6.1 rebounds kung saan karamihan ng kanyang magandang performance ay mula sa Chicago na napaabot niya sa pitong playoff appearance.

Nakatakdang parangalan si Deng sa laro ng Bulls ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?