156
'Demonic!’ Duterte binanatan ni De Lima sa mga birada nito sa Simbahan
Jun 11, 2019 @ 19:58
By

‘Demonic!’ Duterte binanatan ni De Lima sa mga birada nito sa Simbahan

Muling nagpasaring si Senador Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa paulit-ulit na birada nito laban sa Simbahan.

“Patuloy nyang ginagawa ito dahil tayong mga Katoliko, kasama na ang Pamunuan ng Simbahan, ay hindi umaalma sa kanya,” saad ni De Lima.

“This demonic President has been trying to destroy and divide the Catholic Church, just as he keeps on eroding our cherished values as a nation. He must be stopped!”dagdag pa niya.

Sa interview kay Duterte sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy noong Biyernes (June 7), muling nagsalita ang Pangulo laban sa Simbahan.

Aniya, tumataas ang populasyon ng bansa at ito umano ay dahil sa oposisyon ng Simbahan sa artificial contraception.

“Kasi hindi man talaga natin alam kung ilan ang mag-enroll ang problema. And we are the fastest — ang population. And I squarely blame the Catholic Church. Sila lang nagpipigil ng mga — ‘yung birth — family planning. Kaya pinigilan nila ‘yan eh. They think that just spewing out human beings by the millions every year is a gift from God and promoting…” saad ni Duterte.

“You know, if you look at the figures of the population growth all throughout the world, the Philippines is a baby machine. And you are forced to even believe that wala na ginawa ang Pilipino kung hindi mag-rapapap,” saad pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?