40

Jul 26, 2018 @ 11:41
By

Demi Lovato papasok muli ng rehab

Malaki umano ang pasasalamat ni American singer-songwriter Demi Lovato na nabuhay pa siya matapos matagpuang walang malay sa kanyang bahay sa Los Angeles dahil sa overdose.

Nakatakda umano itong magpa-rehab muli, ayon sa E! News.

Ang apparent overdose ay nangyari matapos ang ilang buwan din nitong pagpa-party sa bar tuwing gabi kasama ang kanyang mga kaibigan.

Binigyan muna siya ng mga rumespondeng medics ng Narcan, na gamot para mapigilan ang epekto ng opioids, lalo na sa overdose, saka siya dinala sa ospital.

Dati nang na-rehab ang singer para sa drug at alcohol addiction.

At ang pinakabago niyang insidente ng adiksyon ay nangyari isang buwan matapos niyang ilabas ang kantang “Sober” na tungkol sa relapsing.

Isang saksi ang nagsabi sa E! News na nakita niya si Lovato at mga kaibigan nito na nag-iinuman sa Saddle Ranch bar and restaurant sa LA bago ang apparent overdose, at nag-stay dito hanggang magsara.

Hindi naman inihayag pa ang substance o substances na naging sanhi ng pagka-overdose ni Lovato. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?