937

Dec 29, 2017 @ 17:05
By

Demi Lovato ibinuyangyang ang boobs sa Instagram

LAGLAG ang panga ng netizens sa pasabog na selfie ni Demi Lovato sa kanyang Instagram account. Parang first time ngang nag-post ng ganu’ng picture ang international singer sa kanyang Instagram, kaya pati na ang local stars natin like Aiko Melendez, Maja Salvador, at marami pang iba ay napahanga, napangaga sa nakakalokang alindog na ‘yon ni Demi.

At kahit ang seksing-seksi na si Paris Hilton, hindi nagpaawat sa pagkomento sa photo na ‘yon ni Demi.

“#HotAF!” sey ni Paris, with matching emoticons na fire at naka-smile at nanlalaking mga mata.

Simpleng “In (heart) with this bathing suit…” lang ang caption ni Demi sa photo niyang ‘yon.

Anyway, sobrang seksi nga ng swimsuit na ‘yon ni Demi. Na halos lantad na ang harapan sa sobrang baba ng neckline. Litaw na litaw ang kanyang boobs, at parang ang ‘korona’ na lang ang natakpan.

Sobrang high waist din ang swimsuit na nasa itaas ng kanyang bewang. At agaw-pansin din ang kanyang mga tattoo sa magkabilang braso at mga kamay.

Well, kasama nga ng mga artistang Pinoy ang mahigit 3.5 million subscribers ng Instagram sa nag-like sa sexy selfie na ‘yon ni Demi. At umabot na rin sa kulang-kulang 50,000 ang komento nito.

Well, magandang pabaon nga ito ni Demi sa fans niya ngayong patapos na ang 2017. At malay natin, mas matitinding selfie moments pa ang ilabas niya sa 2018. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?