72
views

By

DeMarcus Cousins pumirma ng 1-year, $5.3M deal sa Warriors

Sharing is caring!

Hindi lang ang Los Angeles Lakers ang nagpapalakas ng kanilang puwersa, sasahog na si All-Star center DeMarcus Cousins sa bigating Golden State Warriors.

Nakipag-deal na si Cousins ng one-year, $5.3 million deal sa two-time defending champion Golden State Warriors, ayon sa league sources ng ESPN.

Sa pagsama sa Golden State, magkakaroon ng pagkakataon si Cousins na makarekober mula sa kanyang torn left Achilles injury at makabalik sa paglalaro sa susunod na season.

Maliban umano sa Warriors, isa sa pinagpiliang lipatan ni Cousins ay ang Boston.

Agad namang winelcome ni two-time league MVP Stephen Curry ang bago niyang teammate sa Twitter.

“The 3rd splash Brother. Let’s go @boogiecousins,” sabi sa tweet ni @StephenCurry30. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?