50
demarcus-cousins
Jan 27, 2018 @ 16:01

DeMarcus Cousins ‘napunitan’, ‘di na lalaro sa Pelicans

Hindi na makakalaro nitong season si New Orleans Pelicans All-Star center DeMarcus Cousins matapos mapunit ang kaliwa niyang Achilles tendon nitong Biyernes (Sabado, Manila time), ayon sa sources ng liga.

Sa ulat ng ESPN, sasailalim sa MRI ang basketbolista at magpapalabas ng inisyal na resulta sa pagsusuri sa kanyang Achilles ang kanyang koponan.

Nangyari ang insidente sa 12 segundong nalalabi sa panalo ng Pelicans sa Houston Rockets, 115-113.

Tinangkang saluhin ni Cousins ang nagmintis niyang free throw at tinapik palayo kay Trevor Ariza ng Rockets ang bola.

Masama ang naging bagsak ng mga paa nito sa sahig at sinubukan pang tumayo pero hindi niya kinaya kaya’t inakay na siya palabas ng court ng kanyang mga kakampi.

“We’re scared about it,” ani Pelicans coach Alvin Gentry.

Trumabaho ng 15 points, 13 rebounds at 11 assists si Cousins bago umalis.

Samantala, nag-tweet naman ng pagdadasal si LeBron James hinggil sa kalagayan ni Cousins.

“Thoughts out to @boogiecousins! Hope you good big fella,” sabi ni James.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?