662

Jan 10, 2022 @ 9:16
By

‘Deltacron’ variant nadiskubre sa Cyprus

Nadiskubre ng mga experto sa bansang Cyprus ang isang bagong COVID variant na angkin ang pinagsamang katangian ng Delta at Omicron, na binansagan nila bilang ‘Deltacron’ variant.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, natagpuan ang Deltacron sa 25 COVID patient.

Ang genetic structure umano ng Deltacron ay pareho ng sa Omicron, at may mga genome din ito gaya ng sa Delta variant.

Gayunman, masyado pa umanong maaga upang malaman ang tindi ng epekto nito.

Sa 25 pasyente, 11 ang mga COVID patient na nasa pagamutan na nang madiskubre na may Deltacron, habang ang 14 ay mula sa mga indibidwal na wala pa sa mga pagamutan.

“We will see in the future if this strain is more pathological or more contagious or if it will prevail,” pahayag ni Leonidos Kostrikis mula sa University of Cyprus.

Isinumite nila ang kanilang nadiskubre sa GISAID, ang international database na tuma-track sa mga virus. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?