20

Jul 22, 2021 @ 19:42
By

Delta variant patient sa Bicol, ‘di local case – DOH Bicol

Nilinaw ng Bicol Center for Health Development (CHD) na isang local case ang naitalang kaso ng Delta variant sa rehiyon.

Kaugnay ito ng naging ulat ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na sa 12 bagong kaso ng local transmission ng Delta variant, isa rito ang mula sa Bicol region.

Paglilinaw naman ng Bicol CHD, tagaroon nga sa rehiyon ang biktima ngunit matagal na itong hindi umuuwi at nagtatrabaho pa sa Metro Manila.

“The patient is a 27-year-old female from Sorsogon who has neither travelled to Bicol for the last three years nor have been visited by someone from Bicol before getting sick. Hence the patient is not a local case of the region,” pahayag ng Bicol CHD.

“DOH Bicol reiterates that amid the threat of the Delta variant, the minimum public health standards remain as the best preventive measures against all mutations of the virus. Properly wear face mask and face shield, sanitize your hands, maintain social distancing, and avoid crowded and enclosed spaces,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay 47 na ang mga naitalang kaso ng Delta variant sa bansa, walo rito ang mga aktibong kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?