31

Jul 21, 2021 @ 16:06

Delta variant may local transmission na – eksperto

Naniniwala ang isang espesyalista sa medisina na mayroon nang local transmission sa Pilipinas ng mabagsik na Delta COVID variant na umaatake ngayon sa ilang bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Malaysia at Thailand.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Infectious Disease Specialist Dr. Rontgene Solante na hindi inaalis ang posibilidad na nakapasok na sa bansa ang Delta variant at nakahawa na sa mga komunidad base sa nakita ng Philippine Genome Center (PGC).

Ayon aniya sa PGC, may mga kasong nakita ng Delta variant na hindi maiuugnay sa mga umuwing OFW.

“Well I would speculate that based on cases na na-document ng Philippine Genome Center are there are those cases na hindi related doon sa returning OFWs, so there are what we call local cases,” ani Solante.

Ito aniya ang nagpatibay sa kanyang paniwala na posibleng mayroong local transmission na ang kinatatakutang mabagsik na virus.

“With that demographs, then I will say mukhang merong local transmission ang Delta variant,” dagdag ni Solante.

Batay sa ulat, dalawa sa mga nakitaan ng Delta virus sa Antique ay walang nakasalamuhang mga tao na nanggaling sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?