249

Jul 18, 2021 @ 17:50
By

Delta variant lumusot sa Taguig

Kumpirmado ang pagpasok ng mas nakahahawang Delta variant sa Taguig City.

Ayon kay Taguig Safe City Task Force head Clarence Santos, isang kaso ng Delta variant ang naitala sa Taguig.

Sa datos ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), 73 kaso ng COVID-19 sa Taguig ang mula sa iba’t ibang variant, isa rito ang Delta, 26 ang Alpha variant, habang 46 naman ang Beta variant.

“Wear your masks, face shield and (keep your) distance so that the Delta variant will not spread. This is more contagious and it has a higher percentage of being hospitalized. Another important weapon against the Delta variant is vaccination,” ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Matatandaan na inanunsyo ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na 11 ang local case ng Delta variant sa bansa, dalawa dito ay nagmula sa Metro Manila.

Sa dalawang kaso ng Delta variant sa NCR, ang isa ay nasawi matapos isugod sa ospital noong June 28.

Ang iba pang kaso ng Delta variant ay nasa Region X, Region VI at isa pang may address sa Region III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?