57
Deloitte magbubukas ng 1K trabaho sa PH
Jun 6, 2019 @ 18:18
By

Deloitte magbubukas ng 1K trabaho sa PH

Target umano ng US-based professional services and consulting firm na Deloitte na makalikha ng nasa 1,000 na trabaho sa Pilipinas kapag nagbukas ito ng global delivery center para sa mga kliyente nila sa Asia Pacific region.

Sa pahayag ni Deloitte Consulting LLP principal and Global Delivery Network leader Jeff Jordan, maglalaan ang kumpanya nila ng investment sa Pilipinas ng maraming taon.

Hindi naman tinukoy ni Jordan ang halagang ibubuhos nila sa Pilipinas pero sakop umano nito ang kanilang expansion of operations pati na pagtanggap ng mga professional.

Dagdag pa niya, naghahanap sila ng mga professional sa field ng engineering, information technology, computer science at design.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?