251

Sep 17, 2021 @ 19:19
By

Delivery rider hinoldap, P19K kinita natangay

Naglaho ang pinaghirapang P19,000 kita ng isang food delivery rider nang targetin siya ng mga holdaper sa Dagupan City, Pangasinan.

Tumigil lang daw sandali ang hindi pinangalanang biktima sa gilid ng kalsada para kontakin ang kanyang kostumer pero agad siyang tinabihan ng tatlong lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo at nagdeklara ng holdap, ayon sa report ng “Balitang Amianan”.

Tinutukan umano sa tagiliran ang biktima at sa sobrang takot niya ay ipinaubaya na lamang ang bitbit na belt bag na may lamang pera.

Iniimbestigahan na ang insidente at nabatid na hindi ito ang unang beses na may naholdap na delivery rider sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?