193

Oct 28, 2021 @ 19:01
By

Delivery rider bitbit baby sa trabaho, netizens naantig

Hinangaan ang isang delivery rider matapos makunan ng litrato habang dala ang kanyang baby sa maliit na basket ng kanyang bisikleta habang siya ay nagtatrabaho.

Ayon sa nag-post online na si Jeremiel Flores Quinto mula sa San Pedro, Laguna, sinabi sa kanya ng rider na si Hershey Manuel na kaya niya isinasama ang anak ay dahil walang magbabantay dito.

Nagtatrabaho rin daw kasi ang asawa ni Hershey at nakikitira lang sila sa tito niya.

May ilan naman na nag-alala sa baby na ma-expose sa COVID-19.

Cha Cha: “A very inspiring man lovable and caring father… I salute you young man… you only shows that even we are in the hardest part of our struggles in this pandemic days you still do your duty as a responsible provider.. but still find the best way for your kid not to be expose on virus…”

Trick Baltazar: “Pre saludo sayo!! Pero mas concern lng ako sa safety ng anak mo. Safety first lods. God bless sayo.”

Geddh Buenavides: “Last mo na sana yan paps..sikapin mo n may mapagbilinan k ng baby mo…kc oo may pangtuztos k nga s pangangailangan pra s knya..kaso un safety s kalye mahirap magbakasakali..pati n din s sakit..Pero God bless sau ng anak mo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?