106

Mar 3, 2020 @ 16:12
By

Delivery man na nahulihan ng P102K shabu, hindi empleyado ng Shopee

Mariing itinanggi ng Shopee na delivery man nila ang 28-anyos na nahulihan ng iligal na droga ng mga awtoridad sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City, nitong nakaraang Pebrero 29.

Sa ipinadalang statement ni Erin Tagudin, head ng Public Relations ng Shopee, ang nadakip na si Jerome Tataro, 28, ng Brgy. Toro sa ‘Oplan Sita’ ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ay empleyado ng third party contractor ng Shopee na tinatawag na Fastrust.

Iginiit ni Tagudin na si Tataro ay mahigit isang taon na ring hindi konektado sa contractor dahil sinibak na ito noong February 2019.

“The man in the report was in the employ of a third party contractor of Shopee called Fastrust, but never directly employed by Shopee nor its in-house fleet. In addition, the man has not been connected to the contractor for over a year as his employment with the contractor was terminated last year, February 2019,” paliwanag ni Tagudin.

Magugunitang hinarang ng mga awtoridad ang nasabing delivery man dahil sa walang suot na helmet subalit nang makapkapan ito ay nakasamsam ang mga awtoridad ng umaabot sa P102, 000 halaga ng shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?