25

Aug 12, 2021 @ 13:18
By

‘Delivery dog’ patok sa mga netizen

Mukhang hindi na lang tao ngayon ang nagtatrabaho sa mga delivery service. Isa kasing aso ang namataang nakasuot ng delivery rider costume na siyang kinagiliwan ng mga netizen.

Sa ulat ng GMA News, kinilala ang delivery dog bilang si Ysa, isang Belgian Malinois.

Makikita sa litrato ang suot ng aso na naka-long sleeves, pantalon at may delivery box pa sa likod.

Kuwento ng amo ni Ysa na si Ria Gutierrez, mahirap hanapan ng damit si Ysa dahil sa size nito kaya naisipan na lang niya at ng kanyang mister na gumawa ng damit para sa kanilang fur baby.

Cute na cute naman an mga netizen sa delivery dog na ito.

“Da Ro De: Sooo cuuuuuuuuuuuuuuuuuttttttttte!!❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️”

“Joy Escurel: Checkpoint anyone? Hahhahaha who will dare? Hahhahah”

“Kenneth Dimzon: Mag dedeliver ng dogfood hehe”

“Ge Cunanan: So cute ❤️ pde mag pa deliver💛💛💛😘😜”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?