26

Nov 19, 2019 @ 15:39
By

Delivery boy nanggigil sa puwet ng estudyante, kalaboso

Kulong ang isang delivery boy matapos daklutin at pisilin ang puwet ng Grade 11 student habang nasa mall ang biktima, Linggo ng gabi sa Valenzuela City.

Nakadetine ngayon sa Valenzuela Police detention cell si Dominic Soriano, 30, residente ng Barangay 160, Libis, Baesa, Caloocan City at nahaharap sa kasong acts of lasciviousness.

Ayon sa Valenzuela Police, dinala sa kanilang presinto ang suspek ng mga barangay tanod matapos maaktuhan ng ama ng biktimang si April, ang ginawang panghihipo ng suspek bandang 7:30 Linggo ng gabi sa isang mall sa Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Ayon sa biktima, habang naglalakad sila sa mall ay napansin niya ang suspek na sumusunod sa kanila at may dalawang beses dinakma ni Soriano ang puwet nito ngunit pinalampas ito ng biktima sa takot na magsumbong sa kasama.

Ngunit umulit pa si Soriano at saka kinompronta na ito ni April at doon nakita ng ama nito na isang empleyado ng mall saka dinamba ng mga sekyu si Soriano at binitbit sa presinto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?