253
Koreano-nagbigti
Jul 30, 2018 @ 19:52
By

Delivery boy nagbigti sa QC

Isang 26-anyos na delivery boy ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa Quezon City kahapon.

Sa naantalang report sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (CPD), ang nagbigti ay nakilalang si Edmon Gallego Castillo, 26, binata, delivery boy, at residente ng No. 121 Mother Ignacia, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Batay sa salaysay sa pulisya ni Razil Castillo, kapatid ng biktima, dakong alas-10:45 ng umaga ay pinuntahan niya si Edmon sa silid nito upang gisingin dahil tanghali na umano.

Kinatok umano ni Razil ang pintuan sa silid ng kapatid subalit hindi ito sumasagot at wala rin siyang naririnig na anumang kaluskos mula sa loob.

Dahil dito ay puwersahan umanong binuksan ni Razil ang pintuan sa silid ni Edmon at nang mabuksan ay bumungad sa kanya ang nakabiting katawan ng kapatid at nakatali ang ginamit nitong dilaw na nylon rope sa pagbibigti sa kisame.

Agad na humingi ng saklolo si Razil sa mga kapitbahay para maibaba ang kapatid sa pagkakabigti nito sa pag-asang maagapan pa ang buhay nito.

Pero nang maibaba mula sa pagkakabigti si Edmon ay wala na itong buhay kaya hinihinalang may ilang oras na itong patay.

Wala namang iniwang suicide note ang delivery boy.

Tumanggi na rin ang pamilya nito na paimbestigahan ang pangyayari dahil naniniwala silang nagpakamatay ang binata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?