330

Jan 28, 2019 @ 21:24
By

Delivery boy na umeksena sa kasal, nag-viral

Nag-viral ang isang delivery boy matapos nitong sumingit sa ginagawang kasalan para lang ipa-receive ang item na inorder ng bride sa online store.

Nangyari ang insidente sa Malaysia.

Makikita sa video at mga larawan na kumalat sa social media ang pagpapapirma ng naturang delivery boy sa babaeng ikinasal.

Masuwerte ang delivery boy dahil hindi nagalit sa ginawa niya ang groom at bride dahil mismong ang babae ang nag-post ng naturang pangyayari sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?