27
abante-tnt-vismin-hostage
Oct 17, 2021 @ 16:31
By

Delivery boy na-hostage ng kostumer sa QC

Isang 21 anyos na water delivery boy ang na-hostage ng kanyang kostumer sa Quezon City village nitong Huwebes.

Batay sa ulat ng dzBB, naganap ang hostage taking sa Alpha Village Capitol Hills sa Barangay Old Balara.

Para maisalba ang delivery boy, nakipag-negosasyon ang Batasan police sa suspek.

Matapos ang halos isang oras na pakikipag negosasyon ay pinakawalan na ng suspek ang biktma.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?