129

Jan 24, 2020 @ 20:30
By

Delivery boy kalaboso sa pagdura sa pizza

Nahatulang makulong ng hanggang 18 taon ang isang delivery boy matapos duraan ang pizza bago ihatid sa kanyang customer.

Ayon sa news agency na DHA, nangyari ang insidente noong 2017 sa central city na Eskisehir sa Turkey.

Nakita sa footage ang lalaki na kinilala lang na si Burak S. nang duraan ang pizza kung saan kinunan pa niya ng video ang kanyang ginawa.

Nauna nang pinagmulta si Burak S. ng 600 euros “for endangering a customer’s health” habang kalaboso siya sa “poisoning food”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?