44

Dec 24, 2017 @ 11:41
By

Delikadong plato, bowl pinababawi ng DTI

Dahil sa pangamba na bumara sa lalamunan ng sanggol o bata ang plastic layer, nagpa-abiso ang Edgewell Personal Care ng ‘voluntary product recall’ sa kanilang Playtex bowls at plates na may mga printed designs.

Sa sulat kay Trade Usec. Teodoro Pascua ni Vincent Mo, ang business director ng Edgewell sa Asia, sinabi nito na ang mga delikadong plato at bowl ay sinimulan nilang ibenta sa Pilipinas noon pang 2009 hanggang nitong nakalipas na Setyembre.

Sinabi pa ni Mo na ang mga plato at mangkok ay may mga disenyo na kinagigilawan ng mga bata, partikular na ang mga cartoon characters.

Dagdag pa nito, nakikipag-ugnayan na sila sa Nurseryworks Inc., ang kanilang distributor sa bansa, para mabawi ang mga delikadong produkto.

Nabatid na natatanggal ang plastic layer ng mga produkto at maaring humalo sa pagkain ng mga sanggol o bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?