smith

Delikadong foul ni Smith kay Horford, inulan ng batikos

Sharing is caring!

Flagrant 1 foul lang ang ipinataw kay J.R. Smith sa kabila ng delikadong pagtulak nito kay Al Horford habang nasa ere sa Game 2 ng Eastern Conference Finals sa pagitan ng Cleveland at Celtics, ayon sa ESPN.

Abante ang Boston, 97-89, 3:49 ang nalalabi sa 4th quarter, nasa ere na si Horford sa alley-oop pass ni Marcus Smart nang biglang itulak ni Smith kaya’t bumagsak ito sa lapag.

Hindi nagustuhan ni Smart ang ginawa sa kakampi niyang si Horford kaya sinugod nito si Smith na nauwi sa sagutan.

Matapos ang rebyu sa play, tinawagan lang si Smith ng Flagrant 1 foul.

Dapat umano ay Flagrant 2 foul ang itinawag kay Smith at nasipa ito sa laro, dahil sa ginawa niya’y maaaring ma-injury nang malala si Horford na itinulak niya sa likod habang nasa ere.

Kapwa tinawagan din ng technical fouls sina Smith at Smart.

Gustong makabawi sana ng Cavaliers sa Game 2 matapos maiuwi ng Boston ang Game 1 noong Linggo, 108-83.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng netizens sa ginawa ni Smith.

(@BillSimmons): JR Smith was the worst player in this game so naturally he made the dirtiest play of the game.

(@sagesteele): If I’m the Celtics, I have zero problem with Marcus Smart coming after JR Smith for that push on Horford. Stand up for your teammates. Another reason why I love how baseball and hockey players handle things.

(@ReggieMillerTNT): Now hold up!!!! DeMar DeRozan got tossed and a Flagrant 2 vs Cleveland in Semifinal’s, how is JR Smith still in this game?? Be consistent!!!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?