20

Jan 11, 2022 @ 13:52
By

Delikado! Tabing-dagat sa Siargao ‘wag payagang matirhan – Duterte

Kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang masusunod ay hindi na dapat payagan ng mga lokal na opisyal na magtayo ng tirahan sa tabing-dagat sa Siargao.

Kasunod ito ng report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pinsalang idinulot ng bagyong Odette noong Disyembre kung saan marami ang namatay at marami pa rin ang nawawala hanggang sa kasalukuyan.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi ligtas tirahan ang coastal areas sa Siargao kaya dapat na tingnan ito ng mga alkalde sa lalawigan.

“Delikado talaga yung coastal diyan sa Siargao dapat hindi na payagan yan. It’s up to the mayors sa mga lugar nila to just insist on the obedience of the law not really for somebody’s needs, but the need to protect the people living in those areas,” anang Pangulo.

Madaming panganib aniya ang tumira sa tabing dagat dahil sa posibleng tidal wave o biglang pagtaas ng tubig na maaring sumagasa sa mga residente.

Nagtataka ang Presidente kung paano nabibigyan ng titulo ang mga residente para tumira sa mga delikadong lugar gaya ng tabing dagat o tabing ilog.

Naiintindihan ng Pangulo ang kalagayan ng mga taong nakatira sa tabing dagat at tabing ilog pero dapat pa ring isaalang-alang ang kaligtasan ng mga ito.

“Delikado talaga. I really do not know how you can give away the easement provisions of the law in rivers and yung coastal areas,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?