7

Oct 1, 2020 @ 22:05
By

Delegasyon ng PBA negatibo sa Covid

Nakapag-ensayo na ang Magnolia, Phoenix, Terra Firma, TNT at Meralco Huwebes, habang ngayong Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX.

Ito’y makaraang magnegatibo ang buong delegasyon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Bubble sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga, ayon kay pro league commissioner Willie Marcial.

Unang nagpa-swab tests ang Hotshots, Fuelmasters, Tropang Giga at Bolts nitong Lunes kaya nakapagpraktis na sa Angeles University Foundation gym. Habang Martes mga nasuri ang Beermen, Gin Kings, Bossing, Batang Pier, Elasto Painters, Aces at Road Warriors.

Nakatakda ang restart ng 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa susunod na Linggo, Oktubre 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?