32

By

Delayed flights, mararanasan sa ASEAN 2017

Sharing is caring!

Hindi lang mga motorista ang maaapektuhan ng ASEAN Summit kundi maging ang mga pasahero sa himpapawid.

Kaya’t ang Cebu Pacific ay nagpalabas na ng abiso na maaaring maapektuhan simula ngayong araw ang ilan sa kanilang mga flights.

Sinabi ni Charo Lagamon, tagapagsalita ng CebuPac, simula ngayong alas-12:00 ng tanghali ay maaaring magkaroon na ng delays ang kanilang mga flights.

Ang delays ay maaaring maranasan hanggang sa Nobyembre 15, araw ng Miyerkules.

Dagdag pa ni Lagamon, ang mga maaapektuhang pasahero ay may dalawang opsiyon, i-rebook ang kanilang flight sa loob ng pitong araw simula sa Nobyembre 15 o humingi ng full refund.

Kasabay ng paghingi ng paumanhin, nangako si Lagamon na regular silang magpapalabas ng flights’ updates.

Inaasahan na ngayong araw ay isa-isa nang darating sa bansa ang mga world leader sa pangunguna ni US President Donald Trump, para dumalo sa ASEAN Summit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }