53

Jun 23, 2022 @ 11:27
By

Delay sa pag-imprenta ng National ID solusyunan — Poe

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na kagyat na solusyunan ang pagkaantala sa pag-iimprenta at paghahatid ng National ID sa ating mga kababayan para mabigyan na sila ng katibayan ng pagkakakilanlan sa iisang card.

Ayon kay Poe, chair ng Senate committee on public services, hindi umano katanggap-tanggap ang paghihintay ng tao sa anim na buwan hanggang isang taon para makuha ang kanilang ID.

“Nagamit na sana nila ito bilang mapagkakatiwalaang katibayan sa pagkuha ng cash aid, fuel vouchers, benepisyong pangkalusugan at iba pang serbisyong mahigpit nilang kinakailangan para makaraos sa gitna ng kahirapan,” sabi ni Poe sa isang statement.

“Napadali na rin sana ang pakikipagtransaksyon sa pamahalaan at pribadong sektor kung nasa kanila na ito,” dagdag pa niya.

Habang patuloy nating hinihimok ang publiko na kumuha ng National ID, nanawagan din si Poe sa Philippine Statistics Authority na tiyakin ang kawastuhan ng mga datos sa card at maging maagap sa mga kinakailangang pagbabago rito kung kinakailangan.

“Sa kalahati ng populasyon na nakapagrehistro na para sa ID, malinaw na binigyan ng mga Pilipino ng halaga at pagkakataon ang programa. Kaya’t nararapat lamang na tapatan ito ng gobyerno ng masigasig na paglilingkod sa pamamagitan ng agarang pagkakaloob ng card sa naghihintay nating mga kababayan,” ani Poe.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?