23
views
mmda
By

Delay sa flood control projects, isinisi sa palitan ng liderato sa MMDA

Sharing is caring!

Dahil sa pagpapalit ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority kaya hindi pa natatapos ang 47 sa 68 flood control projects sa Kamaynilaan.

Sa 2017 annual audit report para sa MMDA, pinuna rin ng Commission on Audit ang mababang disbursement ng mga pondo para sa nasabing mga proyekto dahil P3.24 billion lamang o 64.05 percent ng P5.06 billion na pondo ang nagastos para pondohan ang flood control projects noong nakaraang taon.

Ayon sa COA, bukod sa management problem sanhi ng nabakanteng puwesto sa MMDA mula May 2016 hanggng May 2017, ang late na scheduling ng procurement activities ang isa pang dahilan ng delay.

Sa nasabing panahon, ang MMDA ay pinamumunuan nina officers-in-charge Emerson Carlos mula April hanggang August, 2016 at Thomas Orbos mula August hanggang May, 2017.

Noong May 2017 lamang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chairman Danilo Lim para pamunuan ang ahensya.

Binanggit ng COA na ang mga kontrata para sa 68 flood control projects na naka-programang ipatupad noong 2017 at nagkakahalaga ng P452,317.151.77 ay nai-award noong nakaraang taon.

“Evaluaton of the accomplishments relating to locally funded projects disclosed, however, that 47 were not completed within the contract timelines,” saad sa audit report.

Ang 47 delayed projects ay may kabuuang halaga ng kontrata na P337.48 milioin.

Kabilang dito ang matatagpuan sa Malabon, Navotas, Muntinlupa, Taguig, Mandaluyong Marikina City, Pasig City, Caloocan City, Quezon City, at Makati City. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?