76

Apr 26, 2019 @ 10:55
By

Delarmino flag bearer ng ‘Pinas sa Arafura Games

Flag bearer si Ashgabat 5th Asian Indoor and Martial Arts Games 2017 muay silver medalist Philip Dearmino sa pagbubukas ngayong gabi ng 11th Arafura Games 2019 sa Darwin City Waterfront sa Northern Territory, Australia.

Lumapag sa Down Under ang 91 atleta ng bansa nitong Miyerkoles makaraan ang apat na oras na paglalakbay via Philippine Airlines chartered flight mula Maynila. Makikipagkompitensya sa 9 sa 17 sports sa taunang paligsahan, na balik-ere tapos mamahinga ng pitong taon.

Sinalubong ang pambansang delegasyon ni consul general John Rivas at ilang Pinoy na nagtatrabaho bilang volunteer ng AG.

Positibo si Philippine Sports Commission-Philippine Sports Institute national training director Marc Edward Velasco, na siya ring deputy chef de mission ng bansa rito, sa kampanya ng mga atleta.

“The delegation is upbeat,” bulalas ni Velasco. “They are very excited. I think it’s an advantage that we went on a chartered flight kasi they got to see kung sino ‘yung ibang tiga-Team Philippines. Last night, they were talking to each other which is a good sign that they will support each other.”

Pinanapos ni Velasco na ang sabayang pagdating rito dahil sa chartered flight ang nagbigay ng pagkakataon sa iba’t ibang teams na makapag-training pa agad pagkarating dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?