45

By

Dela Torre tumalon ng ASG gold

NILUNDAG ni Trexie dela Torre ang pangalawang gold medal ng Pilipinas sa 10th ASEAN School Games 2018 nang mapagtagumpayan ang girls long jump sa National Sports Complex mini-stadium-Bukit Jalil sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon.

Beterana ng Rangsit 13th Southeast Asian Youth Athletics Championships 2018 noong Abril, nagposte ng personal-best na 5.84 meters ang 16-anyos mula sa Bacolod upang mabulaga sina Mahira Hanis Binti Ishak ng Malaysia (5.83) na nag-silver at Hoang Thanh Giang ng Viernam na naka-bronze (5.83).

Hinigitan ng Negense ang dating PB niyang 5.44 na naimarka sa Vigan 61st Palarong Pambansa nun ding Abril.

Si high jumper Evangelene Caminong ang nakadale ng unang gold ng bansa sa pasimula ng aksyon noong Sabado sa walong araw na paligsahan ng 1,500 secondary student-athlete mula sa 10 bansa.

Sanay nang manalo ni Dela Torre. Pumrimera rin siya sa long jump girls ng Tagum 2016 Batang Pinoy National Finals patungo sa isang ito kahit unang sabak pa lang sa ASG.

“Bago po yung turn ko, nagdasal po ako na sana maganda yung kalalabasan. Ngayon po ini-enjoy ko yung panalo at ang experience ko dito,” wika ng Romanito Maravilla National High School grade 11.

Sa Universiti Teknologi Mara Sports Complex sa Shah Alam, nasipa ng PHL boys sepak takraw team ang bronze medals sa doubles category Sabado ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?