121

By

Dela Serna, gagamiting witness sa P10-B fund mess vs Garin

Pakikinabangan muna ng gobyerno si dating Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) President Celestina Ma. Jude dela Serna bago ito tuluyang alisin sa gobyerno.

Ibinunyag ni Atty. Manny Luna, abugado ng Presidential Anti-crime Corruption na kaya pinanatili bilang miyembro ng board ng Philhealth si dela Serna ay sa dahilang witness ito sa kasong isinampa laban kay dating Health Secretary Janet Garin at ilang kasamahan kaugnay sa P10.6 billion fund mess .

Ayon kay Luna, si Dela Serna ang nagbigay ng mga dokumento at impormasyon sa PACC kaugnay sa pondong pinakialaman umano ni Garin sa Philhealth.

“In the case of dela Serna, while she remains a member of the board kailangang hindi muna siya tatanggalin sa Philhealth as a member of the board because she was the one who filed on behalf of Philhealth itong kaso ng graft against Garin, Padilla et al sa P10.6 billion fund mess ng Philhealth na napunta sa mga proyekto ng DOH na ngayon ay nakabinbin sa Ombudsman,” ani Luna.

Gayunman, nilinaw ng abugado ng PACC na hindi pa rin libre si Dela Serna sa mga asuntong kinakaharap nito kaugnay sa mga iniimnestigahan ng Commission on Audit na sobra-sobrang travel expenses at isang taong paninirahan sa hotel na ang nagbabayad ay ang Philhealth.

Sinabi ni Atty. Luna na kailangang gamitin nila si Luna bilang complainant at vital witness sa P10.6 billion fund mess na kinasangkutan ni Garin at ilang kasamahan.

Kinukuwestiyon ng ilang mambabatas at ilang grupo kung bakit nananatili sa Philhealth board si Dela Serna gayong sinibak na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?