30

Sep 21, 2021 @ 14:59
By

Dela Rosa: Walang ‘crimes against humanity’ sa PH

Binigyang-diin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na walang nangyaring ‘crime against humanity’ sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ipikit ko man ‘yung mata ko, i-open ko ‘yung mata ko, eh wala akong makitang crimes against humanity,” pahayag ni dela Rosa sa pagdinig ng panukalang 2022 budget ng Commission on Human Rights (CHR).

“Sabihin mo mang biased ako…basta kahit sino sigurong tanungin mong Pilipino, kung meron bang crimes against humanity na nangyayari dito sa ating bansa ngayon, wala man akong nakikita,” dagdag nito.

Sabi ni Dela Rosa, unang pinuno ng Philippine National Police sa ilalim ng Duterte administration, hindi siya pabor sa nilitisin siya ng foreign court (Internal Criminal Court) kaugnay ng kanyang koneksiyon noong sa anti-drug war ng pamahalaan.

“Alam mo, being a Filipino, gusto ko sana…I would rather be tried, convicted, and even hanged before a Filipino court, rather than being tried, convicted and hanged before a foreign court. So ‘yun lang ang gusto kong iparating sa’yo because being a Filipino, it’s also my right,” sabi ni Dela Rosa.

Aniya, may mga ilang kaso ng pag-abuso ng mga pulis subalit hindi umano hinahayaan ito ng PNP at ng gobyerno.

“Ayaw na ayaw ko na nata-try ng foreign court…na walang alam sa pangyayari sa Pilipinas kundi nagde-depende lang doon sa mga nag-a-allege, na nagcha-charge sa gobyerno na alam naman natin na karamihan diyan ay politically motivated, except of course ‘don sa talagang legitimate cases,” ani Dela Rosa.

“Meron naman talagang nag-aabuso na mga pulis. Inaamin natin ‘yan. At meron nga tayong nakukulong na mga pulis, meron nga tayong mga pulis na kinasuhan. But sana h’wag lang ‘yung maging one-sided ‘yung kanilang investigation,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?