77
gobato

Dela Rosa walang alam sa ‘Go Bato’ billboard

Sharing is caring!

Walang ideya si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Ronald “Bato” dela Rosa kung sino ang nasa likod ng kumalat na billboard nilang dalawa ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa Davao City.

“Hindi ko alam kung supporter ko o supporter ni Bong Go basta lumabas na lang yan dyan. Hindi ko alam ko kung sinong mga taong involved talaga promise. Promise,” sabi ni Dela Rosa.

“Wala akong kinalaman doon, bakit, sino naglagay doon. Ipa-find out natin kung sino. Walang nagpaalam sa akin, walang nagsabi sa akin na maglagay ng ganun, hindi ko po alam,” dagdag pa nito.

Sa nasabing billboard na may ‘caricatures’ ni Bato at Go, may logo ito ng Hugpong ng Pagbabao, ang political party ni presidential daughter and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Duda ni Dela Rosa, maaring ang mga grupong na nagtutulak na tumakbo siya sa pagka-senador ang nasa likod ng nasabing billboard.

Sa ngayon aniya wala pa siyang desisyon kung tatakbo siya sa Senado sa 2019 dahil may kaslaukuyan pa siyang misyon sa kanyang bagong trabaho sa Bucor.

“Pag ganun, nakikita ko may ganun inu urge nila ako sumali dyan sa pamululitika. (But) as I have said again and again depende na yan kay President (Duterte). Meron pa akong mission sa BuCor, linisin ko muna ang BuCor. Trabahuhin ko muna ito,” sambit ng dating Philippine National Police (PNP ) chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?