187

Dec 13, 2017 @ 12:31
By

Dela Rosa susunod na Bucor chief

May naghihintay ng bagong puwesto sa magreretirong si Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng nalalapit na pagretetiro ni Gen. Bato sa January,2018.

Ayon sa Pangulo, si Bato ang ipupuwesto niya sa Bureau of Corrections bilang susunod na BuCOR Chief para higit na mabantayan ang illegal drug trade sa loob ng mga kulungan, partikular sa New Bilibid Prison.

Nakatakdang magretiro sa serbisyo ang PNP Chief sa January 21 pagsapit ng kanyang edad na 56 na siyang mandatory retirement age sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Hindi naman nagbigay pa ng dagdag na detalye ang Pangulo matapos mabanggit ito habang nakikipagkuwentuhan sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps sa ibinigay na party kagabi.

Sa ngayon ay nananatiling si Justice Secretary Secretary Vitaliano Aguirre ang nagtitimon sa BUCOR matapos na maghain ng kanyang irrevocable resignation si dating Director General Benjamin delos Santos nuong Hulyo 13 dahil sa aniya’y muling pamamayagpag ng droga sa NBP. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?