90

Dec 13, 2017 @ 19:22
By

Dela Rosa, extended sa PNP ng 2-3 buwan

Tatagal pa ng dalawa hanggang tatlong buwan sa serbisyo si Philippine National Police Chief Director General Ronald “bato” dela Rosa sa harap ng nakatakda sana nitong pagretiro sa serbisyo sa Enero 2018.

Sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na may mga ipapagawa pa siya kay dela Rosa kaya hindi pa siya handang pakawalan ito sa police service.

Sa sandaling matapos aniya ang ipinapagawa nito sa PNP Chief ay saka siya magsisimula bilang Chief ng Bureau of Corrections para pangasiwaan ang kaayusan sa mga penal colonies.

” Marami pa kasi akong gawin, I want to do some things in Mindanao of utmost importance and I need to extend the tour of duty of Gen. Dola Rosa to something like two-three months just to …its a.. mainly infrastructure, and maybe the physical settings of the headquarters of the armed forces and the police to suit the demands of the moment. May ilipat ako tapos may gagawin akong kampo na mga bago.

I said I will extend his tour of duty and once the projects are in place or operation or functional then he goes to the Bucor. Bucor… mas malawak din yan kasi marami tayong problema sa penal colonies and other places , not really detention but prisoners convicted by final judgement as serving sentence.

Sinabi ni Duterte na wala pa siyang napipiling kapalit ni dela Rosa bagkus ay ipinapaubaya na niya sa Senior Officers Placement and Promotion Board ang pagpili ng susunod na magiging hepe ng PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?