267
views

By

Dela Hoya kay Pacquiao: Tapos ka na sa Malaysia!

Sharing is caring!

Tingin ni ‘Golden Boy’ Oscar Dela Hoya, ang July 15 bout kay WBA 147-pound kingpin Lucas Matthysse ang magiging katapusan ng boxing career ni Manny ‘The Pacman’ Pacquiao.

“The fight could spell the end of Pacquiao’s career,” wika ni Dela Hoya, humahawak sa karera ni Matthysse, sa ulat ni Recah Trinidad sa philboxing.com

Sa panig ng 39-anyos na eight-division champion, nangako ito nang maikling laban. Aniya, mayroong tutumba, hindi lang tiyak kung siya o si Lucas.

“I feel this fight will not last the distance. May the best man win.”

Nasa huling bahagi na ng kanyang ensayo sa Wild Card Gym sa General Santos City ang ‘Pambansang Kamao’ at ayon sa chief trainer nitong si Restituto ‘Buboy’ Fernandez ay halos 100 porsiyento na ang kondisyon ng kanyang kaibigan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?