53

Jul 11, 2018 @ 17:42
By

Dela Cruz, 2 pa bronze sa A’Cup

Bumawi ang national recurve and compound archery team tapos mabokya sa Hunyo 18-24 na 13th Archery World Cup 2018 Stage 3 sa Easton Salt Lake Archery Center sa Salt Lake City, Utah, USA.

Natudla nina Paul Marton dela Cruz, Earl Benjamin Yap at Joseph Benjamin Vicencio ang bronze medal sa non-Olympic event men’s compound team sa ginanap nitong Hulyo 9-11 na 2018 Asia Cup World Ranking Tournament Stage 3 sa Taipei City Stadium sa Taiwan na nilahukan ng 9 na bansa.

Sorpresang umalpas ang 5th seeded Filipino hawkeyes sa knockout Olympic round kontra 4th seededed host Chinese Taipeh, 231-230 sa quarterfinals, pero tumaob sa top seeded South Korea, 233-235, sa semifinals para malagak sa battle-for-third kung saan ginimbal din ang 2nd seed India, 231-225.

Ang senaryo’y nagpabawi sa tatlo sa pangingitlog sa medal sa men’s indvidual compound at sa masaklap na sinapit nina two-time Olympian Mark Javier sa men’s individual recurve, 2000 Sydney Olympian Jennifer Chan sa women’s indivial compound, at nina Nicole Marie Tagle, Kareel Meer Hongitan, at Pia Elizabeth Angela Bidaure sa women’s indivual at team recurve.

Parte ang pagsali rito ng Nationals sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Top 3 finishers sa medal tally ang South Korea na may 8-3-3 gold-silver-bronze medal, kasunod ang Taiwanese na may 2-1-2 at ang India at Iran na parehong may 0-3-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?