111

Nov 20, 2021 @ 16:24
By

Del Rosario: Ping may sagot sa bawat problema ng ‘Pinas

Naniniwala si Partido Reporma senatorial candidate Monsour del Rosario na angkin ni Senador Panfilo Lacson ang mga katangian ng isang lider na siyang mag-aangat sa bansa mula sa sangkatutak nitong problema.

Sa panayam ng Magnum Radio 99.9, sinabi ni del Rosario na panahon na upang pumili ang mga Pilipino ng gaya ni Lacson na siyang may solusyon sa bawat problema ng bansa.

“Mag-isip po tayo mabuti, 6 months to go bago ang eleksyon, kailangan po natin makapili ng leader na tutugon sa dami ng ating problema. Kapag hindi po tayo nakapili ng saktong leader, hindi tayo makalabas sa mga problema, kaya si President Ping Lacson ang pag-asa natin ngayon, at very crucial ang mangyayari sa ating bansa,” wika ni del Rosario.

Ayon pa sa dating kongresista, may kakayahan, katapatan at katapangan si Lacson, maging ang ka-tandem nito na si Senate President Tito Sotto, na masasandalan umano ng taong-bayan sakaling mahalal sila sa darating na eleksyon.

Sa kanya namang panig, nangako si del Rosario na sakaling maupo siya sa Senado ay magsisilbi siya nang tapat at maayos.

“I just want to do the right thing and offer fresh ideas at bagong pananaw, at maka-contribute para malutas ang ating problema. I want to make Pinoys proud and have dignity again. Sanay po tayo sa challenges, and I will always rise to it. Pagsisilbihan ko po kayo nang tapat at maayos, just watch me perform, and I will not let you down,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?