104

Jun 24, 2019 @ 14:41
By

Del Rosario kinontra: Pagkansela ng diplomatic passport, ‘di labag sa batas – Locsin

Magkaiba ng tingin sina dating DFA Secretary Albert del Rosario at ngayong Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin kaugnay ng pagkansela ng diplomatic passport ng bansa.

Kasunod ito ng isyu ng pagharang kay Del Rosario sa Hong Kong International Airport na gamit ang kanyang diplomatic passport.

“It is not “unlawful”; it is a courtesy to those who have ceased doing the job requiring blue passports. We don’t want to have them out there dishonored by foreign immigration by rejection. Just protecting national honor, sir. We may restore it but insist it be the only passport,” ayon kay Locsin.

Ito’y tugon ng kalihim matapos sabihin ni Del Rosario na unlawful o labag umano sa batas ang pagkansela ng courtesy passport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?