85
del-potro
Mar 19, 2018 @ 19:09
By

Del Potro winalis si Federer, kampeon sa Indian Wells

Malapit na sanang bumigay sa kanyang karera matapos ang apat na operasyon sa kanyang kamay, lumaban ang Argentine na si Juan Martin del Potro para makabalik sa ATP Tour.

Nasuklian ang kanyang determinasyon nang gapiin ni Del Potro sa tatlong sets si Roger Federer 6-4, 7-6 (8), 7-6 (2) para madagit ang titulo ng BNP Paribas Open.

“I cannot believe I won this tournament, beating Roger in a great final and level of tennis,” ani Del Potro.
Napanalunan naman ni Naomi Osaka ng Japan ang women’s title 6-3, 6-2 laban sa Russian na si Daria Kasatkina.

Kapwa nagbulsa sina Del Potro at Osaka ng $1.3 million.

Si Del Potro ang unang Argentine na naging kampeon sa 42 na taong kasaysayan ng desert tournament at siya rin ang unang player na tumalo kay Federer ngayong 2018.

Pakay sana ni Federer ang ika-anim na titulo sa California, pero binigo siya ni Del Potro, na nakamit ang unang ATP Masters 1000 title.

Naisalba ni Del Potro ang tatlong match points bago isinara ang panalo sa loob ng dalawang oras at 42 minuto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?