4

By

Del Potro luhod kay Nadal

Sharing is caring!

SAMPA na naman sa semifinals ng Wimbledon 2018 si ‘King of Clay’ Rafael Nadal kasunod ng 7-5, 6-7, 4-6, 6-4, 6-4 win kontra Juan Martin del Potro ng Argentina Miyerkoles ng hapon (Huwebes sa Pilipinas) sa All England Club.

Ito ang unang beses sa loob ng pitong taon na nakatuntong sa semifinals ng torneo si Nadal.

Ayon kay Nadal, isa itong emosyonal na laro para sa kanya na may magandang kalidad ng tennis lalo na aniya ang huling set nito.

“I’m sorry for Juan Martin. He’s an amazing opponent and amazing player. In some ways he deserved victory too,” ani Nadal.

Inalala din ni Nadal ang naging pagkatalo niya noong nakaraan taon kay Gilles Muller sa ikalimang set ng laro.

“It’s a very important achievement today,” dagdag ni Nadal.

Naipanalo ni Nadal ang kanyang huling last four appearance sa Wimbledon noong 2011 at dito niya naungusan si Andy Murray.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?