67

Aug 22, 2019 @ 15:54
By

Del Monte nagtitipid! Isasara, ibebenta ang ilang planta sa US

Magsasara at magbebenta ng mga planta sa Estados Unidos ang Del Monte Pacific Ltd. Ng mga Campos.

“This decision has been difficult and has come after careful consideration,” sabi ni Del Monte Pacific Managing Director and CEO Joselito D. Campos Jr.

Sabi ng Del Monte, isasara nito ang planta nito sa Sleepy Eye sa Minnesota at sa Mendota sa Illinois. Tatapusin lang muna ang kasalukuyang produksiyon at isasara na ang mga ito sa oras na matapos maempake ang mga produkto.

Ganito rin ang balak sa planta ng Del Monte sa Cambria sa Wisconsin, at ibebenta pagkatapos sa Crystal City sa Texas.

Ayon sa Del Monte, sasaluhin ang produksiyon ng mga nabanggit ng iba nitong mga planta sa Estados Unidos.

“These facility closures offer Del Monte the ability to fully utilize the capacity of its existing production facilities and increase its focus on branded growth and innovation,” sabi ng Del Monte.

Sa pagbebenta at pagsasara ng mga planta, mababawasan ang gastos ng Del Monte at magiging mas masinop ang operations, dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?