401

Oct 16, 2017 @ 14:26

Deklarasyon ng revolutionary government, ‘di kaya ni Duterte!

Naniniwala si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi tototohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng revolutionary government.

Sinabi ni Lacson na dapat sa ngayon ay nasasanay na ang bansa sa mga impulsive o pabigla-biglang pahayag ni Pangulong Duterte.

“I don’t believe he will declare a revolutionary government — not now, not anytime during his term,” pahayag ni Lacson.

Alam naman aniya ng Pangulo na hindi nito kakayanin ang mga ganitong bagay.

“He knows he won’t and can’t do it,” dagdag ni Lacson.

Dahil dito, hindi na aniya dapat pang pansinin ng publiko at mga kritiko ng Pangulo ang mga biglaang pahayag nito at hindi na rin dapat pang bigyan ng negatibong reaksyon. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?