10

Aug 1, 2020 @ 15:43
By

Deklaradong plastic bin, P5M paputok nasabat

Binigay ng BOC-Port of Manila sa PNP-Firearms and Explosives Office ang iligal at assorted na mga paputok na tantiyang nagkakahalagang limang milyong piso.

Ang 40-foot container shipment ng mga paputok ay naka-consign sa Wealth Lotus Empire Corporation at nakadeklara bilang plastic bins.

Nilabag ng nasabing importasyon ang An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices at Section 1113 ng CMTA (Property subject to Seizure and Forfeiture).

Tinurn over ng POM ang container sa PNP-FEO nitong Hulyo 25 sa Blasting Site sa Sta. Juana, Capaz, Tarlac para sa maayos nitong pagtapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?