82
Deguara, Alab rumesbak sa Mono Vampire
By

Deguara, Alab rumesbak sa Mono Vampire

Dinurog ng Alab Pilipinas ang Mono Vampire, 96-73, Martes sa ASEAN Basketball League 2019-20 na ginanap sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nanguna sa opensiba si Sam Deguara matapos gumawa ng 20 points, 10 rebounds at 3 blocks upang pabagsakin ang Thai cagers na Mono Vampire.

Umayuda rin sa opensa si Fil-Am Jason Brickman sa tinipang 8 markers, 8 rebounds at 10 assists upang tulungang iangat ang Alab Pilipinas sa 3-1 kartada.

Sa unang half ng laro ay hindi nalalayo ang kalamangan matapos halos magdikit ang puntos sa 38-35, ngunit pagpasok ng ikatlong yugto ay pumabor ang ihip ng hangin sa Pilipinas nang tambakan na nila ito ng halos bente puntos tungong endgame.

Ang ginawang panalo ng Alab ay nagbibigay resbak sa mapait nilang opening game kontra rin sa Mono Vampire noong November 17 matapos silang tambakan ng 35 puntos sa iskor na 111-76.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?