61

Oct 4, 2021 @ 21:51
By

Defensor tatakbong yorme

Target ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na maging alkalde ng Quezon City.

Ayon sa PTV report, maghahain si Defensor ng certificate of candidacy niya sa Oktubre 7 o Oktubre 8.

Magiging ka-tandem umano ni Defensor si Congressman Winnie Castelo.

Bago naging kinatawan ng party-list group, nanalo nang konsehal at kongresista ng QC si Defensor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?