33

Jan 5, 2022 @ 14:28
By

Defensor sa QC gov’t: Huwag ilihim bakuna brand na ituturok

Nanawagan si Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa mga lokal na pamahalaan na payagan ang publiko na mamili ng brand ng booster vaccine laban sa COVID-19.

Sinabi ni Defensor na pinapayagan ng Department of Health (DOH) ang mix-and-match ng primary at booster at dapat maging transparent ang mga LGU kung anong brand ang kanilang ibibigay sa partikular na araw at vaccination site.

Ayon kay Defensor, sa Vax Easy registration system ng Quezon City ay hindi sinasabi kung anong brand ng bakuna mayroon.

“All it shows are the inoculation centers and the number of slots still available, leaving the registrant to guess which booster to choose,” sabi ni Defensor

Isa umano ito sa dahilan kung bakit konti ang nagpaparehistro sa pangamba na masayang ang kanilang pamasahe at oras kapag pumunta sa vaccination site at hindi nila gusto ang brand na ibinabakuna roon.

Hinimok ni Defensor ang QC government na maging transparent at sabihin na kaagad sa tao kung ano ang bakuna na ibinibigay sa kanilang mga vaccination site.

Ayon sa DOH maaaring booster shot ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer o Moderna.

Sinabi ni Defensor na marami ang may gusto sa Pfizer at Moderna batay sa kanyang pakikipag-usap sa publiko.

Ito umano ang dahilan kung bakit naubusan ng bakuna ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kamakailan.

“Unlike the QC Vax Easy online site, VMMC made it clear it was offering Pfizer. That’s why people trooped there in droves,” sabi ni Defensor.

Umaasa naman si Defensor na mabibigyan na ng suplay ang VMMC upang muli itong makapagbakuna.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque lll na hindi kaagad nag-request ng dagdag na bakuna ang VMMC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?